binibigyang kapangyarihan ang global Church para sa Bible translation at higit pa
Libreng Hebrew. Magpakailanman.
Ang pag-aaral ng Hebrew ay magastos, nakakatakot, at nakakadismaya. Gusto naming baguhin yun.
Sa libreng video course namin puwede kang matutong magbasa ng biblical Hebrew, anong wika pa man ang gamit mo! Parehas na effective ito sa mga taong wala pang kaalaman sa Hebrew, at gayundin sa mga dating nakapag-aral na nito. Nagtuturo kami sa pamamaraang makakatulong sayong matuto gaya ng kung papaanong ang bata ay natututong magsalita ng kanyang kauna-unahang wika. Ginagawa namin itong mga materials para matulungan ang mga Bible translators sa buong mundo at para i-build up na rin ang global Church, karamihan sa kanila kung di man kakaunti ang napagkukunan ay pawang wala talagang access sa original languages ng Banal sa Kasulatan. Puwede kang matuto ng Hebrew! Kahit nga ngayon na ay puwede mo nang simulan. Para sa higit pang impormasyon, panoorin mo ang video na nasa baba.
Mga Bentahe
- Libre. Walang kailangang pag-sign up. Di applicable ang trial period. Walang iba-ibang access levels. Simple at di confusing.
- Matuto na parang bata: sa pamamagitan ng pagmamasid at pakikinig.
- Walang stress. Mag-aral sa pace na gusto mo, at i-enjoy mo ito!
- Walang listahan ng mga rules na kailangang i-memorize.
- Walang kinakailangang textbook.
- Effective kahit sa anumang wika o bansa.
- Perfect para sa mga bata at pati na rin sa homeschooling.
Kasalukuyang inaaral ng libu-libong mga estudyante sa iba't-ibang panig ng mundo.
Ang aming pamamaraan ng pagtuturo ay makakatulong sa sinuman, sa anumang wika.
Mga Recommendations
Handa Ka na Bang Matuto ng Hebrew?
Marami sa mga taong naghahangad na matuto ng biblical Hebrew ay hindi kailanman naaabot ang kanilang mga naunang layunin, at ang iilan namang nakakausad dito ay nag-struggle para panatilihin at gamitin ang mga natutunan na nila. Sa totoo lang, karamihan ng tao sa mundo ay di naman designed talaga para matuto ng bagong language gamit ang textbook at sa pag-memorize ng napakaraming rules. Sa halip, the best tayong natututo ng bagong language sa pamamagitan ng paggamit nito: sa pakikinig dito at sa pagsasalita nito. Ang bawat isa ay may likas at God-given na kakayanang matuto ng bagong language sa natural na pamamaraan tulad ng kung paanong natutong magsalita ang mga bata ng kanilang katutubong wika: una sa pakikinig, after nun pag-unawa sa napakinggan, then pagsasalita nang paunti-unti, at sa huli ay ang pagkatuto sa alphabet at sa mga grammar rules nito. Sinisikap ng Aleph with Beth na tularan ang ganitong natural at nakaka-engganyong style ng pag-aaral: kung saan dahan-dahang lumalago ang pang-unawa mo habang nanonood ka. Ang ganitong natural na paraan ng pag-aaral ng bagong language ay tunay na masaya at nakaka-enjoy, at mas effective din sa katagalan, kung saan ang mga tunog at grammar ng biblical Hebrew ay unti-unting nauukit sa long-term memory mo habang patuloy mo itong inuulit at ginagamit. Sinubukan mo na ba pero nag-fail ka noon? No problem! Sa method namin puwede kang matuto ng Hebrew! Ang feeling mo ba ay too old ka na para dito? Puwedeng-puwede ka pa ring matuto ng Hebrew! Sa katunayan, libu-libong taong may edad 50 pataas ang nagtagumpay at natuto na sa effective naming method. May mga anak ka ba? Siguradong kahit sila man matututo rin ng Hebrew! Tara at sumali ka na dito sa worldwide movement na ito: sa pagsimulang pagtuturo sa mga anak natin ng Hebrew habang sila’y bata pa. Halina’t subukan mo. Wala namang mawawala sa iyo. Dahil LIBRE naman ito. Magpakailanman.
Have you failed in the past? No problem! With our method you can learn Hebrew! Do you feel like you’re too old? You can learn Hebrew too! Thousands of people over 50 have had success with our method. Do you have kids? They definitely can learn Hebrew! Join the movement around the world to start your children with Hebrew while they’re young. Try it out. There’s nothing to lose. It’s free. Forever.